-- Advertisements --
Pauunahin muna ng Senado na mahimay ng Kamara ang P4.5 trillion proposed national budget para sa taong 2021.
Ayon kay Senate finance committee chairman Sen. Sonny Angara, sa Setyembre na nila bubuksan ang budget hearings para matapos ang iba pang committee hearings na nakahanay sa mataas na kapulungan ng Kongreso.
Para kay Angara, napakahalaga ng budget bill ito dahil nakapaloob dito ang para sa COVID response ng pamahalaan.
Tiniyak naman ng senador na bubusisiin nila nang husto ang pambansang pondo, para mapagkasya ang available na pondo sa napakaraming kinakailangang proyekto.