Suportado ni Speaker Lord Allan Velasco ang proposal ng National Economic Development Authority (NEDA) na isailalim ang buong Pilipinas sa modified general community quarantine (MGCQ) status simula Marso.
Panahon na aniya para ligtas na luwagan ang pandemic restrictions upang sa gayon ay mabawasan ang impact ng COVID-19 sa ekonomiya ng bansa.
Sa kanyang presentation kay Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes, sinabi ni acting NEDA chief Karl Kendrick Chua na kailangan isailalim sa MGCQ ang buong Pilipinas sa lalong madaling panahon upang sa gayon ay matugunan ang problema sa gutom.
Sa ngayon, ang Metro Manila, Cordillera Administrative Region, Batangas, Tacloban City, Davao City, Davao del Norte, Lanao del Sur at Iligan City ay nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) status hanggang sa katapusan ng Pebrero 2021.