-- Advertisements --

Dumating na sa New York si Victor Wembanyama, ang inaasahang magiging no.1 pick sa nalalapit na NBA Draft ngayong linggo.

Agad naman siyang sinalubong ng mga NBA fans, kung saan marami sa kanila ay suot ang San Antonio Spurs jersey, kung saan inaasahang pupunta ang teen prodigy.

Ikinagulat naman ni Wembanyama ang dami ng mga fans na naghihintay sa kanya sa airport kung saan marami sa kanila ang humingi sa kanyang autograph.

Maalalang una nang nagdeklara si Wembanyama sa NBA 2023 draft ilang buwan na ang nakakalipas, kung saan maraming mga NBA teams ang natuwa sa kanyang naging anunsyo.

Siya ay inaasahang kukunin ng Spurs matapos mapunta sa San Antonio ang karapatan para sa no.1 pick.

Maraming mga analyst ang tumatawag sa kanya bilang ‘biggest prospect’, mula nang na-draft si Lebron James halos dalawang dekada na ang nakakalipas.