-- Advertisements --
kadiwa store

Nanguna ang “Kadiwa ng Pasko Program”sa pinaka aprobadong proyekto ng pamahalaan ngayong 4th quarter ng taon ayon ito sa isinagawang 2022 end of the year survey ng PUBLiCOS Asia Inc.

Layon ng Kadiwa ng Pasko program na magbenta ng mga pangunahing bilihin sa presyong abot kaya ng masa.

Sa isang public briefing na inorganisa ng PUBLiCUS Asia Inc. noong Biyernes ay iprenesenta nito ang listahan ng pinakamataas na inaprubahang programa ng pamahalaan.

Ang nasabing survey ay isinagawa mula November 25 hanggang November 30 taong kasalukuyan na mayroong kabuuang 1500 respondents na lalaki at babae sa buong bansa.

Binigyang diin naman ni Eric Yancy Estrabo ng PUBLiCUS Asia Inc. na ang naging basehan ng resulta ng survey ay ang pang-ekonomiyang paninindigan ng mga Pilipino lalo na ang mga working class ng lipunan.

Nakakuha ng pangkalahatang 84% na boto ang “Kadiwa ng Pasko” sa nasabing survey habang pumapangalawa naman sa aprubadong programa at polisiya ang paglaban sa kriminalidad, pagpapabuti sa bilis ng internet, pagpapatuloy ng face-to-face class at pagpapatupad ng boluntaryong pagsusuot ng face mask sa mga pampublikong lugar.