Bahagyang maaantala ang pagbili ng dagdag na body cameras ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP spokesperson Police C/Supt. Benigno Durana, may mga pagbabago kasi sa quality ng mga bibilhing body cameras.

Paliwanag nito, unang inalok sa kanila ay nagbibigay lang ng 4G Internet ngunit dahil may LTE at 5G Internet na ngayon kaya dapat lang na baguhin ito.

Hindi rin aniya basta-basta ang pagbili dahil napakaraming bidders para rito, kaya sa halip na mapadali ay bahagyang natatagalan ito.

Tiniyak naman ni Durana na hanggang sa susunod na taon ay maaari pa nilang gastusin ang inaprubahang pondo para sa pagbili ng body cameras na aabot sa mahigit P235 milyon.

Layon ng pagbili ng mga body cameras ng PNP ay upang magamit sa kanilang mga drug operations para na sa tinatawag na transparency.