-- Advertisements --

Ipinasisilip ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang sobra-sobrang pastic packaging na ginagamit ng mga e-commerce platforms.

Nakakabahala na kasi aniya ang dami ng pastic waste ngayong patok na patok ang online shopping sa new normal dulot ng COVID-19 pandemic.

Inihalimbawa ng kongresista na ang binili niya sa online na maliit lang na LED strip light connectors ay nakabalot sa oversized plastic pouch na halos siyam na beses na mas malaki kumpara sa nilalaman nito.

Kung ganito aniya palagi ang sitwasyon, hindi malayong lalo pang dadami ang plastic waste sa bansa.

“The volume of this plastic waste is staggering, what with the popularity of online shopping. In fact, Lazada has reported that during the first hour of the 11.11 sale alone, over 2 million items were purchased by Filipino consumers,” ani Biazon.

“The J&T Express experience last June should be an example. We should penalize the courier services who mishandle the goods they deliver,” dagdag pa nito.

Ayon kay Biazon, may-akda ng House Bill No. 546, na naglalayong ipagbawal na ang paggamit ng single use plastic, dapat gawin sa Pilipinas ang katulad sa ginagawa ng mga e-commerce sites sa America kung saan cardboard boxes ang ginagamit sa kanilang shipment at hindi plastic.

Para hindi na rin aniya gagamit gaano ng bubble wrap, dapat maging strikto na rin sa mga online sellers pagdating sa shipment ng kanilang produkto.