Nanawagan ang isang lider ng Kamara sa mga private institutions na makibahagi sa Adopt-a-School program para makatulong sa mga estudyante at guro na nangangailangan ng gadget at internet connection para sa distance learning sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ginawa ni House Committee on Basic Education and Culture chair Roman Romulo ang naturang apela ngayong 22 million sa 28 million mag-aaral sa elementarya at high school ang nakapagpatala na sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa bansa.
Sa ilalim ng Republic Act No. 8525 o Adop-a-School Program, sinabi ni Romulo na maaring mag-donate ang mga pribadong indibidwal at kompanya ng mga kagamitan na makakatulong sa pag-aaral ng mga estudyante sa darating na pasukan.
Malaking bagay aniya ito hindi lamang para sa mga mag-aaral at guro kundi maging sa mga donors din sapagkat maaring umabot ng hanggang 150 percent ang tax deduction para sa kanila.
“Iyong sa distance learning po, kumbinasyon po ito ng modalities, kaya nga po blended learning po ito. May delivery po ng lessons through television, radio sa mga lugar na mahina ang internet signal,” dagdag pa nito.
Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi maaring isagawa ng face-to-face ang pag-aaral sa bansa hangga’t wala pang natutuklasang bakuna laban sa COVID-19.
Kaya ayon sa DepEd, distance learning ang magiging sistema sa darating na pasukan.
“Iyong sa distance learning po, kumbinasyon po ito ng modalities, kaya nga po blended learning po ito. May delivery po ng lessons through television, radio sa mga lugar na mahina ang internet signal,” ani Romulo.










