-- Advertisements --
Hinostage ng mga inmates sa Ecuador ang nasa 50 prison guards at pitong kapulisan.
Sinabi ni Interior Minister Juan Zapata, na bago maganap ang insidente sa isang prison facility sa Quito City ay dalawang car bomb ang sumabog.
Pagkatapos noon ay biglang pinasok sila ng mga armadong suspek.
Agad na rumesponde ang nasa 400 military at 200 kapulisan.
Karamihang nakakulong sa nasabing pasilidad ay mga sangkot sa iligal na droga.