-- Advertisements --

Napasya si Princess Märtha Louise ng Norway na umalis sa kaniyang tungkulin.

Ang nasabing desisyon ay para makatutok ito sa alternative medicine na negosyo ng kaiyang fiance.

Sinabi ni King Harald V na mananatili ang kaniyang titulo subalit hindi nito gagampanan ang kaniyang tungkulin.

Isinusulong kasi ng kaniyang fiance na si Durek Verrett ang alternative medicines na kayang gumamot ng anumang uri ng cancer.

Ang 51-anyos na prinsesa ay nahaharap na sa kontrobersiya sa Norway dahil sa pagkakasangkot nito sa alternative medicines.

Taong 2002 ng ikasal ito kay Norweigan writer at artist Ari Behn na kung saan biniyayaan sila ng tatlong anak na babae subalit noong 2017 sila ay naghiwalay.

Nagpakamatay si Behn dahil sa depression noong Disyembre 2019.

Noong Hunyo ay engaged na ito kay Verrett kung saan noong 2019 ay inanunsiyo ang pagkakaroon nila ng relasyon.