-- Advertisements --
Pinasalamatan ni Kate ang Princess of Wales ng Britanya ang publiko dahil sa suporta.
Ito ang unang mensahe na inilabas niya matapos na sumailalim sa abdominal surgery nitong Enero.
Kasabay din nito ay naglabas siya ng unang larawan kasama ang tatlong anak.
Ang larawan ay kuha ng asawang si Prince Williman kung saan makikita ang 42-anyos na si Princess Catherine na kasama ang mga anak na sina Prince George, Prince Louis at Princess Charlotte.
Binati din nito ang mga ina ng Maligayang araw ng ina dahil ipinagdiriwang ang araw ng ina nitong Linggo sa Britanya.