-- Advertisements --
Nagpapagaling na sa pagamutan ang panganay na anak ng hari ng Thailand matapos na ito ay mawalan ng malay.
Si Princess Bajrakitiyabha na anak ni King Vajiralongkorn ay bigla na lamang nawalan ng malay habang isinasanay nito ang kaniyang aso sa north-east Bangkok.
Dinala agad sa pagamutan ang 44-anyos na Prinsesa gamit ang helicopter.
Tikom pa rin ang royal palace ng Thailand sa tunay na kondisyon ng kanilang prinsesa.
Ang prinsesa ay anak ng hari sa unang asawa nito na si Princess Soamsawali, na naging malapit sa kaniya mula ng maupo ang hari at pumalit kay King Bhumibol noong 2016.
Itinuturing siya bilang well-accomplished sa royal circle dahil sa nagtapos siya ng post-degree sa pagka-abogado sa US.