-- Advertisements --
Nakatakdang bumalik na sa trabaho sa susunod na araw si Prince William ng Wales.
Ito ay matapos ang pagbabantay niya sa pagamutan kay Princess Catherine na inoperahan sa tiyan.
Ayon sa Kensington Palace, na magsasagawa muna ng investiture sa Windsor Castle si Prince William bago dumalo sa isang fundraising gala sa London.
Patuloy pa rin ang pagpapagaling sa kanilang bahay si Catherine ang Princess of Wales.