-- Advertisements --

Kinumpirma ng Buckingham Palace ang pagdalo ni Prince Harry sa koronasyon ni King Charles III sa buwan ng Mayo.

Ayon pa dito na hindi makakasama ang asawa nito na si Meghan ang Duchess of Sussex na mananatili sa US kasama ang kanilang mga anak na sina Prince Archie at Princess Lilibeth.

HIndi naman na sila nagbigay pa ng anumang dahilan sa hindi pagdalo ng Duchess of Sussex.

Gaganapin ang coronation ni King Charles III at asawa nito na si Queen Camilla sa Mayo 6 sa Westminster Abbey.

Ang nasabing okasyon ay tatlong araw kung saan inimbitahan nila ang publiko na dadaluhan din ng mga iba’t-ibang lider ng bansa.