-- Advertisements --

Ibinunyag nina Prince Harry at Meghan ang muntikan na nilang pagkakaaksidente ng habulin sila ng kotse na sakay ng mga paparazzi.

Ayon sa tagapagsalita ng prinsipe kasama ng dalawa ang ina ni Meghan ng mangyari ang insidente.

Dumalo umano ang mga ito sa awarding ceremony sa New York.

Umabot umano ng halos dalawang oras ang paghabol ng mga paparazzi kung saan muntik pa silang makabangga ng isang sasakyan maging ang mga tao at ilang kapulisan.

Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga otoridad sa nasabing insidente.