-- Advertisements --
Itinalaga bilang bagong Duke of Edinburgh si Prince Edward.
Mismo ang kapatid nitong si King Charles III ang nagbigay ng titulo kasabay ng kaniyang ika-59 na kaarawan.
Ang nasabing titulo ay hawak ng kanilang ama na si Prince Philip na naging Duke of Edinburgh ng mahigit 70 taon hanggang sa kamatayan nito noong 2021.
Nasa Edinburgh na ang bagong Duke at asawa nito ng si Sophie na naging Duchess of Edinburg na.
Naging Duke of Edinburgh si Prince Edward ng halos dalawang taon matapos na pumanaw ang ama nila ng si Prince Philip na siyang nagbigay ng titulo sa kaniya noon pang 1947 ng pakasalan niya si Princess Elizabeth.