-- Advertisements --
image 126

Hinimok ni Cambodian Prime Minister Hun Sen ang Ukraine na huwag gamitin ang cluster bomb na planong ibigay ng Amerika sa giyera nito laban sa Russia.

Hanggang sa kasalukuyan kasi ang Cambodia ay patuloy na nakikipagbuno mula sa remnants na iniwan ng madugong Vietnam war noon.

Aniya, ito ang magiging pinakamalaking panganib para sa mga Ukrainian sa loob ng maraming taon o hanggang isang daang taon kung ang mga cluster bomb ay gagamitin sa mga lugar na sinasakop ng Russia sa teritoryo ng Ukraine.

Inalala din ng opisyal ang masalimoot na karanasan ng Cambodia sa mga cluster munitions ng US na ibinagsak noong unang bahagi ng 1970s na ikinasawi ng libu-libong katao.

Umaapela din ito sa Pangulo ng US bilang supplier at sa Pangulo ng Ukraine bilang tatanggap naman ng cluster bomb na huwag gumamit ng mga ito sa digmaan dahil ang mga tunay na biktima ay mga Ukrainian.

Sinabi pa ng Washington na nakatanggap ito ng mga katiyakan mula sa Kyiv na sisikapin nitong bawasan ang panganib sa mga sibilyan, na una ng inamin ni US President Joe Biden na ang pagbibigay sa Ukraine ng mga armas ay isang mahirap na desisyon.

Una rito, noong 1960s naghulog ang Estados Unidos ng milyun-milyong bomba sa Cambodia at Laos noong Vietnam war habang noong 1970s sa pagtatangkang tamaan ang mga base ng mga komunistang grupo.

Bunsod nito sa loob ng 30 taon ng digmaang sibil na natapos noong 1998, ang Cambodia ay kabilang na sa mga bansang itinuturing na may pinakamaraming minahan sa buong mundo.