Pinasinungalingan ni National Policy Against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., ang presyo ng coronavirus vaccines na kumakalat ngayon sa iba’t ibang social media platforms.

Sa isang pahayag sinabi ng kalihim na hindi ito pareho sa presyong napagkasunduan ng pamahalaan sa ilalim ng COVAX facility at binase raw ito sa commercial value ng mga bakuna.

Ayon kay Galvez, ang presyo ng mga coronaviorus vaccine sa COVAX facility, ang global-risk sharing mechanism para sa pagbili at pantay ng access sa mga bakuna, ay 300 posyentong mas mabab sa market prices.

Sa kabila aniya ng limitadong suplay at napakataas na demand sa buong mundo ng COVID-19 vaccines ay nagawa pa rin ng gobyerno na makakuha ng halos 100 milyong doses ng gamot sa mas mababang presyo.

Hindi raw maaaring isapubliko ang presyo ng mga bakuna dahil mayroong confidentiality agreement ang kanilang negosasyon.

Sa kabila nito ay tiniyak ni Galvez sa publiko na ligtas at epektibo ang bibilhing gamot ng pamahalaan.

Dagdag pa nito na may hawak silang portfolio ng mga bakuna kung saan nakapaloob dito ang brand names at manufactrurers ng mga bakuna na dini-develop pa. Sa pamamagitan umano ng nasabing portfolio ay dito mamimili ang gobyerno kung saang kumpanya lalapit.

Lahat din aniya ng magiging desisyon ng pamahalaan ay ibabase sa rekomendayon ng mga vaccine experts at dadaan sa mahigpit na evaluation at selection process ng Food and Drug Administration (FDA) upang siguruhin ang pagiging epektibo at ligtas ng mga ito.