-- Advertisements --

Nagpatupad nang price freeze ang Department of Energy sa lahat ng mga household fuel commodities sa ilang lungsod at probinsya sa bansa na nagdeklara ng state of calamity bunsod nang pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19.

Ipapatupad ang price freeze sa liquefied petroleum products at kerosene sa loob ng 15 araw.

Sa Luzon, ipapatupad ang price freeze sa Quezon City mula Marso 13 hanggang 27, habang sa Las Pinas naman ay mula Marso 14 hanggang 28.

Sa lungsod naman ng San Juan, Pasay at Manila, ipapatupad ang price freeze mula Marso 15 hanggang 29.

Habang sa probinsya ng Cavite at sa mga lungsod ng Mandaluyong, Muntinlupa, Marikina, Makati, Pasig, Valenzuela at Porac, Pampanga
ay ipapatupad mula Marso 16 hanggang 30.

Sa Visayas, iiral ang price freeze sa Cebu City mula Marso 13 hanggang 27 at sa Negros Oriental namay ay mula Marso 16 hanggang 30.

Samantala sa Mindanao, ipapatupad ang price freeze sa Iligan City mula Marso 13 hanggang 27.