Pumapalo na sa mahigit $110,000 o katumbas ng mahigit P5.5 milyon ang presyo ng unang laro ni football star Lionel Messi sa kaniyang bagong koponan na Inter Miami sa Leagues Cup.
Ito na aniya ang pinakamahal na ticket na ibinebenta sa isang Major League Soccer team.
Maging ang mga ibang upuan ay tumaas rin ang presyo sa unang laro ni Messi na gaganapin sa araw ng Biyernes.
Makakaharap nila ang Mexican team na Cruz Azul na ang ilang presyo ng tickets ay nagkakahalaga ng $487.
Habang ang susunod laban ni Messi sa Agosto 20 laban sa Charlotte ay aabot sa $288.
Ayon sa Vivid Seats na tumaas ng 90 percent ang presyo ng mga tickets mula ng lumipat sa Miami team si Messi.
Ang 36-anyos kasi na si Messi ay isang decorated athletes na nagwagi ng Ballon d’ Or awards ng pitong beses at naging bahagi ng World Cup champion team na Argentina noong nakaraang taon.