-- Advertisements --

Posibleng bumaba na sa P120 hanggang P150 ang kada kilo ng sibuyas na pumapalo ang presyuhan sa P400 hanggang P600 kada kilo kamakailan kasabay ng anihan ng lokal na mga magsasaka simula sa second half ng buwan ng Enero.
Sa pagdinig sa Committee on Agriculture, Food, and Agrarian Reform sinabi ni Agriculture Undersecretary Mercedita Sombilla, madalas na bumbaba ang presyo ng sibuyas sa kasagsagan ng harvest season.
Inaasahan na sa oras na magsisimula na ang anihan sa ikatlo at ikaapt na linggo ngayong buwan ng Enero at sa katapusan ng Mayo,magtutuluy-tuloy na hanggang sa buwan ng Abril at Mayo ang pagbagsak ng presyo.










