Magkakaroon ng dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo simula bukas ng umaga, Hunyo 17 ayon sa mga lokal na kompanya ng langis.
Tataas ng P1.80 kada litro ang presyo ng gasolina at diesel, habang P1.50 kada litro naman ang itataas sa kerosene.
Ito na ang ikalawang sunod na linggong nag taas-ng presyo sa lahat ng uri ng petrolyo, kasunod ng dalawang linggong pagfalaw nito.
Ayon sa Department of Energy (DOE), ang pagtaas ay bunga ng paggalaw ng presyo sa pandaigdigang merkado ng langis at dahil narin sa tumataas na presyo ng international crude oil na dulot ng positibong developments sa US-China trade talks at patuloy na tensyon sa usapang nuclear ng US at Iran.
Dagdag pa ng DOE, inaasahan ng OPEC (Organization of the Petroleum Exporting Countries) ang patuloy na paglago ng demand sa langis sa susunod na 25 taon. Dagdag pa rito ang mga geopolitical tensions, lalo na ang kamakailang pag-atake ng Israel sa Iran.
Maalalang noong nakaraang linggo, nagtaas na rin ang presyo ng gasolina ng P0.60, diesel ng P0.95, at kerosene ng P0.30 kada litro.