Tumaas ang presyo ng palay noong buwan ng Oktobre, batay sa talaan ng Philippine Statistics Authority(PSA).
Ayon sa PSA, ang average na farmgate price ng palay noong buwan ng Setyembre ay nasa P19.91 kada kilo, habang noong Oktobre ay umabot na ito sa P20.60 kada kilo. Mas mataas ito ng 3.4%
Kung ikukumpara naman sa farmgate price ng palay noong nakalipas na taon, mas mataas pa rin ang naitalang presyo nitong Oktobre kumpara sa Oktubre noong 2022.
Nasa P17.44 lamang kasi ang presyo ng kada kilo ng palay noong nakalipas na taon, at mas mababa ito ng 18.1% kumpara sa presyuhan nitong nakalipas na buwan.
Ayon pa sa PSA, 15 region sa buong bansa ang nakapagtala ng positibong year-on-year growth rate sa farmgate price ng palay noong nakalipas na buwan.
Mula sa 15 na rehiyon, tanging ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang nakapagtala ng pagbaba ng farmgate price na hanggang 4.0%. Umabot lamang sa P17.36 per kg. ang presyuhan sa naturang rehiyon.
Naitala naman ng Northern Mindanao ang pinakamataas na farmgate price na may average na P23.56 kada kilo.
Sinundan ito ng Ilocos Region na may P22.92 per kg at Davao Region na mayroong P21.73 per kg.