Bahagyang tumaas ang presyo ng palay nitong buwan ng Marso.
Batay sa data mula sa Philippine Statistics Authority, ang average na farmgate price ng palay ay umangat ng 2.1% o katumbas ng P18.57 per kilo, kumpara sa dating presyuhan nito noong buwan ng Pebrero na nasa P18.19 kada kilo.
Ayon sa PSA, mas mataas din ito kumpara sa P17.43 kada kilo noong Marso ng nakalipas na taon.
Samantala, ang pagtaas ng presyo ng palay nitong Marso ay kasunod din nang unang naitalang pagtaas sa presyo ng palay noong Pebrero ng kasalukuyang taon. Naitala rin kasi ang 2.6% na price increase noong Pebrero mula sa presyo ng palay noong Enero ng kasalukuyang taon.
Sa buwang iyon, nasa P17.73 lamang ang presyo ng bawat kilo ng palay.
Sa kasalukuyan, ang Ilocos Region ang may pinakamataas na farmgate price na nasa P20.83 kada kilo habang ang pinakamababang presyuhan ay naitala sa Eastern Visayas na nasa P16.49 kada kilo.
Sa national level, ang average na farmgate price ng palay sa unang quarter ng taon ay nasa P18.17 kada kilo habang sa kasalukuyan ay umaabot na sa P17.49 kada kilo, matapos maitala ng PSA ang 3.9 % na price increase.