Kasabay ng paggunita ng Undas bukas, magpapatupad ang mga kompaniya ng langis ng roll back sa presyo ng mga produktong petrolyo sa ikalawang sunod na linggo.
Sa magkahiwalay na adivisories, nag-anunsiyo ang Chevron Philippines Inc. (Caltex), Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Inc. ng tapyas sa presyo ng kada litro sa gasolina ng P0.25, P0.60 kada litro sa diesel at P0.25 kada litro sa kerosene.
Mag-iimplementa rin ang Petro Gazz ng parehong paggalaw sa presyo ng petroleum products maliban sa kerosene na wala sa naturang oil firm.
Magiging epektibo ang roll back sa presyo dakong 6am bukas, araw ng Martes, November 1 maliban sa Caltex na mas maaga na magpapatupad ng oil price adjustment dakong 12:01 ng parehong araw.
Batay sa data naman mula sa Department of Energy (DOE) nagpapakita na ang year to date adjustments ay mayroong net increase na P16.10 per liter para sa gasoline, P37.40 per liter para sa diesel, at P29.20 per liter para sa kerosene as of October 25, 2022.