-- Advertisements --

Buhos na ang pagdating ng mga namimili sa mga tindahan ng paputok at pailaw sa Bocaue, Bulacan, ilang oras bago ang pagsalubong sa bagong taon.
Marami sa mga namimili ay mula pa sa malalayong lugar, tulad ng mga taga Metro Manila at mga karatig na probinsya.
Nabatid na nagsimula ang pagdami ng mga bumibili noong Disyembre 29, 2022 at naging tulkoy-tuloy ito hanggang ngayong araw.
Pero ang peak anila ay ngayong gabi o ilang oras bago ang pagpasok ng taong 2023.
Sa talaan ng Bulacan manufacturers, mayroon silang tumatakbong presyo ng mga produkto:
Lucis – Php 80 dati, ngayon Php 100
Kwitis (100 pcs) – Php 800 dati, ngayon Php 1,000
Sawa (1K rounds) – Php 800 dati, ngayon Php 1,000
Aerial fireworks (16 shots) – Php 1, 500 dati, ngayon Php 3,000










