-- Advertisements --

Nananatili umanong stable o hindi gumalaw ang presyo ng locally-produced rice, seasonal vegetables kabilang na ang ginagamit sa pinakbet at maging ng sibuyas.

Sinabi ni Department of Agriculture (DA) Asec. Noel Reyes, maganda raw itong balita sa mga consumers sa gitna na rin ng pagsipa ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Ngayong nalalapit ang anihan ng palay, maganda pa rin naman daw ang presyo ng palay na nasa P17 hanggang P19 kada kilo.

Ang P19 da ang buying price ng National Food Authority (NFA).

Sa ngayon, nasa P36 hanggang P38 ang kada kilo ng regular milled rice habang P39 hanggang P42 naman well-milled rice at ang fancy o premium rice ay P40 ang kada kilo.

Ang mga gulay namang hindi pa nagtataas ang presyo ay ang string beans, squash, okra, ampalaya at talong o ang mga gulay na karaniwang ginagamit sa pagluluto ng pinakbet.

Nasa stable range din umano ang presyo ng mga sibuyas na karaniwang galing sa Nueva Ecija.

Maganda raw ang presyuhan ngayon dahil nasa P30 hanggang P35 ang kada kilo ng sibuyas na pula.