-- Advertisements --

Iniulat ng Department of Trade and Industry (DTI), na bumaba umano ang presyo ng ilang gamit pang-eskuwela kumpara noong nakaraang taon, dalawang linggo ‘yan bago magsimula ang pasukan sa Hunyo 16.

Ayon sa DTI, 29 school supplies ang bumaba ang presyo mula P1 hanggang P10. Kabilang dito ang mga notebook, pad paper, at lapis. Ipinahayag ng ahensya na ang pagbaba ay dahil sa mas mababang gastos sa produksyon at raw materials.

Sinuri din ng ahensya ang presyo ng school supplies sa Divisoria at mga mall kung saan lumabas sa monitoring na sumusunod ang mga tindero sa price guide ng DTI, na sumasaklaw sa 195 na produkto sa 12 kategorya.

Tiniyak naman ni Trade Secretary Cristina Roque na nananatiling stable ang presyo ng mga pangunahing bilihin, kabilang ang mga pagkain na karaniwang baon ng mga estudyante.