-- Advertisements --
Posibleng magkaroon ng pagtaas ng presyo ng harina sa bansa.
Ayon kay Philippine Association of Flour Millers executive director Ric Pinca, na ilan sa mga factors kaya tumaas ang kanilang presyo ay ang patuloy na giyera sa Ukraine at Russia, tag-tuyot sa US at ang export ban sa India.
Paliwanag nito na nahaharap ang bansa sa krisis sa pagkain kahit na mayroong sapat na trigo sa mundo ay kalahati sa mga ito ang hindi nai-aangkat.
Aabot kasi sa 20 milyon metric tons ng trigo ang hindi nakakaalis sa Odessa port matapos na harangin ito ng Russia.
Inamin din nito na sa 23 flour miller sa bansa ay nagbawas na ang mga ito ng kanilang ginagawang harina dahil sa taas presyo ng mga imported wheat.