-- Advertisements --

Nakatakdang tumaas ang presyo ng gasolina habang magkakaroon naman ng rollback sa presyo ng diesel at kerosene nitong linggo.

Ayon sa Petron Corporation, tataas ng P0.80 kada litro ang presyo ng gasolina, habang bababa naman ng P0.30 sa kada litro ng diesel, at P0.20 naman ang rollback sa kada litro ng kerosene.

Ang price adjustments na ito ay magsisimula sa darating na Martes, Nobyembre 19, ng alas-6:00 ng umaga.

Sinabi ng Petron Corp. na ang price adjustments na ito ay alinsunod na rin sa paggalaw sa international oil market.