Magpapatupad ng rollback sa ikalawang sunod na linggo sa presyo ng gasolina at sa ikalalimang pagkakataon naman sa presyo ng kerosene at diesel.
Sa magkakahiwalay na advisories mula sa Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines, magkakaroon ng tapyas sa presyo ng kada litro ng gasolina at diesel ng P0.45 kada isa at sa kerosene naman ay may rollback na P0.85.
Magpapatupad naman ang Cleanfuel ng parehong paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo maliban sa kerosene na wala sa nasabing kompaniya ng langis.
Magiging epektibo ang paggalaw sa presyo ng petroleum products dakong alas-6:00 ng umaga bukas, araw ng Martes, maliban sa Cleanfuel na magpapatupad ng price adjustment bandang alas-12:01 ng umaga sa parehong araw.
Batay sa latest data mula sa Department of Energy (DOE), lumalabas na ang year-to-date total adjustments ay may net increase na P14.85 per liter para sa gasolina, P29.40 per liter para sa diesel, at P24.10 per liter para sa kerosene.