LAOAG CITY – Ipinaalaman ni Mr. Jessie Prudencio, isa sa mga nagbebenta nga bigas sa Laoag City Public Market and Commercial Complex na muling tumaas ang presyo bigas simula sa nakalipas na linggo.
Ayon kay Prudencio, tumaas ng piso ang kada kilo ng iba’t-ibang klase ng bigas gaya ngregular milled rice na P38 hanggan P41 ang kada kilo, ang well milled rice na 40 pesos ang isang kilo habang ang special o premium rice ay aabot sa P55 ang isang kilo.
Dahil dito, sinabi ni Prudencio na may paggalaw ang presyo nga isang sako ng bigas katulad ng Jasmine na P875, Premium ay P900 habang ang Marcos Sinandomeng ay aabot sa 960 pesos ang kada kilo.
Samantalan, sinabi ni Prudencio na may spat na suplay pa ng bigas ang kanilang natatangap.
Dagdag nito na sakaling may pagtaas muli ang presyo ng farm gate price ng mga magsasaka ay posibleng gumalaw na naman ang presyo ng bigas.
Maalala na may pagtaas ng presyo ng bigas sa ilang mga merkado publiko sa Metro Manila at umabot sa tatlong piso.