-- Advertisements --
Hindi ikinaila ng Philippine Confederation of Grains Associations (PHILCONGRAINS) ang posibilidad na pagtaas ng presyo ng bigas sa susunod na buwan.
Sinabi ni PHILCONGRAINS chairperson Joji Co na isa sa dahilan nito ay ang patuloy na pagtaas sa presyo ng petrolyo.
Maari aniyang mapigilan ang pagtaas ng presyo ng bigas kung mayroong ayuda ang gobyerno sa krudo ng mga nagbabiyahe ng mga bigas.
Posibleng maglaro ng hanggang P2 kada kilo ang itataas na presyo ng mga bigas sa bansa sa susunod na buwan.










