BOMBO DAGUPAN – Inaasahang tataas pa ang presyo ng bigas ayon sa mga Rice Millers.
Ito ang binigyang diin ni Cathy Estavillo, Spokesperson ng Bantay Bigas, sa panayam sa kaniya ng Bombo Radyo Dagupan, taliwas aniya ang nangyayari sa sinasabi ni pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bababa na ang presyo ng bigas sa bansa.
Ayon kay Estavillo, tinatayang nasa P45 na ang pinakamababang presyo ng well-milled rice sa bansa kung kaya’t gano’n na lamang ang aray ng mga mamimili.
Aniya, kung seryoso talaga ang gobyerno ay marapat na bumili sila ng significant volume ng palay sa bansa nang sa gayon ay mas mapababa ang presyo nito.
Kaugnay nito, nauna nang sinabi ni Estavillo na kahit pa panahon ng anihan ngayon ay hindi pa rin maramdaman dahil sa nananatiling mataas na presyo ng mga bilihin.
Samantala, panawagan naman nito na magbigay sana ang pamahalaan ng tama at sapat na subsidiya para sa mga magsasaka.