-- Advertisements --
Inaasahang bababa ang presyo ng bigas ngayong paumpisa na ang anihan, ayon sa isang grupo ng mga magsasaka.
Inihayag ng Federation of Free Farmers Cooperatives na nagsimula nang pumasok sa merkado ang mga bagong suplay ng bigas.
Gayunpaman, sinabi ng naturang grupo na minimal lamang ang pagbaba ng presyo dahil sa posibleng pagbaba ng produksyon na dala ng El NiƱo.
Giit pa ng grupo, ang pagbaba sa retail price na P50 kada kilo ay posibleng hindi maisakatuparan dahil ang farm gate price ay P31 pa rin kada kilo.
Aniya, maibebenta ang bigas sa publiko sa halagang P55 hanggang P56 kada kilo pagkatapos maipamahagi sa mga retailer.