-- Advertisements --

Bahagyang tumaas ang presyo ng bigas sa unang kalahating bahagi ng Hunyo, 2024, batay sa monitoring ng Department of Agriculture Bantay Presyo.

Batay sa datus na inilabas ng ahensiya, nakitaan ng pagbaba ang presyo ng imported premium rice mula sa dating P52.00/kilo noong huling linggo ng Mayo patungong P50/kilo ngayong kalagitnaan ng Hunyo.

Maging ang imported regular milled rice ay bumaba rin ng piso mula sa dating P49.00/kilo.

Nakitaan din ng pagbaba sa presyo ng local premium rice mula sa dating P52/kilo patungong p50/kilo.

Ang tatlong g nabanggit na uri ng bigas lamang ang nakitaan ng paggalaw ng presyo sa nakalipas na dalawang linggo.

Para sa imported na special rice, nananatili ang presyo nito sa P57 kada kilo na siya ring presyuhan noong huling bahagi ng Mayo, 2024.

Nanatili rin sa P52.00/kilo ang presyo ng imported na well-milled rice.

Sa kabilang banda, ang lokal na special rice ay nasa P56/kilo, P48./kilo para sa well-milled, at P45/kilo para sa regular milled.