-- Advertisements --

Naniniwala ang Department of Agriculture (DA) na tuluyan ng bababa ang presyo ng mga asukal kapag matapos ang clearing import.

Sinabi ni Agriculture Undersecretary Domingo Panganiban na maaring bumaba pa ng hanggang P80 o P85 ang kada kilo ng asukal sa susunod na dalawang linggo.

Sa dalawang linggo kasi ay maglalabas na ng clearance ang Sugar Regulatory Administration sa mga imported na asukal kinumpiska nila.

Matapos na madala sa mga bodega mula sa pantalan ay kailangan pang mai-reclassify ang mga ito mula reserve ay magiging domestic use bago ibenta sa mga pamilihan.

Base kasi sa pinakahuling monitoring nila na pumapalo mula P87 hanggang P110 ang presyo ng isang kilo ng asukal.