KORONADAL CITY – Nabunyag ang ginagawang extortion activity ng isang preso na nakakulong sa South Cotabato Provincial Jail matapos na inireklamo sa Bombo Radyo na nang-bablackmail ng isang OFW na nakarelasyon nito.
Ito ang kinumpirma ni Jail Warden Lory Celeste sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Kinilala ang inmate na si Regie Castillo Joquiño, residente ng Brgy. San Jose, Koronadal City na may kasong RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ayon kay Celeste, agad niya na inimbestigahan ang inmate kaninang matapos na magviral ang video interview ng Bombo Radyo sa biktima na si Alyas Nhene.
Narinig din umano ng inmate na inireklamo siya sa Bombo kaya’t Boluntaryo din nitong isinuko ang kanyang gamit na cellphone.
Ibang version naman ang sinasabi ng inmate at nagpakilala pa itong Engineer sa OFW kaya’t nakarelasyon niya ito.
Sa ngayon patuloy ang imbestigasyon sa inmate at ang umano’y involvement ng mga jail guards na ginagawang negosyo ang pagpapagamit ng cellphone sa mga preso.
Hinikaya’t din ni Warden Celeste ang OFW na magpresenta ng kaukulang ebedensiya upang masampahan ng kaso ang suspek na nasa loob ng kulungan.
Matatandaan na emosyunal na dumulog sa Bombo Radyo si Alyas Nhene matapos na hinihingan siya ng P30,000 ng preso kapalit ng hindi pagpapakalat ng video nito.