Tiniyak ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) at Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga livelihood at job opportunities kasabay ng pagpirma ng mga ito ng memorandum of agreement (MOA) na layong makapagbigay ng access sa livelihood at employment opportunities sa mga urban poor groups.
Sinabi ni Presidential Commission for the Urban Poor chairperson Elpidio Jordan Jr. na ang dalawang ahensiya ay nagkasundong pumirma ng kasunduan matapos ang virtual meeting kasama sina DOLE workers’ welfare and protection cluster Assistant Secretary Dominique Rubia-Tutay at labor employment officer Erickson Mag-isa.
Isasagawa ang signing kasabay ng selebrasyon ng “Urban Poor Solidarity Week” (UPSW) ng Presidential Commission for the Urban Poor sa December 7.
Ang tema ngayong taon ng Presidential Commission for the Urban Poor ay “The PCUP and the Urban Poor Sector: Together Meeting the challenge of the New Age,”
Isa itong ahensiya na ang mandato ay suportahan ang pro-poor initiatives at alleviation program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Nangako naman si Pangulong Marcos sa pag-fast-track sa economic recovery ng bansa at maghatid ng progress at development hindi lamang sa urban centers kundi pati sa countryside.
Noong nakaraang buwan, muling siniguro ng Presidential Commission for the Urban Poor ang kanilang kooperasyon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na siyang nagpapalakas sa pro-poor programs.
Pinag-usapan naman daw ni Jordan at ni PCSO Chair Junie Cua ang naturang adbokasiya bilang suporta sa poverty alleviation program ng kasalukuyang administrasyo partikular na ang mga persons with disabilities at senior citizens.
Nagpahayag naman si Cua ng suporta sa parehong inisyatiba at nangakong magbibigay ng medical supplies at food packs na ipapamahagi sa mga accredited urban poor organizations.
Ang Presidential Commission for the Urban Poor ay nilikha noong administrasyon ni dating President Corazon Aquino taong 1986.
Ito ay isang komisyon na nasa ilalim ng Office of the President na naatasang mag-promote at mangalaga sa karapatan ng urban poor organizations at communities kabilang na ang mga informal settler families.
Sila ang nangangasiwa sa mga isyung may kinalaman sa urban poverty gaya ng demolitions, reclamation, at housing.