-- Advertisements --

Naniniwala ang mga presidential bets na ang kasalukuyang sistema at ang mga taong nasa likod nito ang nagpapalala sa korapsiyon sa bansa.

Ayon kay Vice President Leni Robredo, tao at sistema ang nag-contribute sa problema, kaya kung siya ang mahalal na pangulo ang kaniyang unang executive order ay ang full disclosure.

“Dapat ang sistema pinipilit ang mga tao na maging mabuti,” wika ni VP Leni Robredo.

Sa panig naman ni Senator Ping Lacson, sinabi nito na hindi mahina ang sistema ng bansa, bagkus maraming mga batas, institusyon na tumatakbo.

Giit ni Lacson, ang problema ay ang kahinaan umano ng tao sa gobyerno.

Ayon naman kay Senator Manny Pacquiao, nais niyang makulong ang mga corrupt.

“Magpapatayo ako ng MP o mega prison. Sa dami ng corrupt, baka hindi sila magkasya sa ordinaryong kulungan,” wika pa ni Sen. Pacquiao.

Ipinunto naman ni Ka Leody na ay ang corruption ay dahil sa political dynasties na ginagamit ang kanilang kapangyarihan para magnakaw sa kaban ng bayan.

Si Mayor Isko Moreno naman, isusulong daw niya na magbabayad ng tamang buwis ang lahat.

Gagayahin din daw niya niya ang ginawa nilang proyekto sa Maynila na naibsan na ang mga fixers dahil wala ng dadaanang tao sa pagbabayad ng buwis kundi sa modernong pamamaraan o digitalization.