Ibinahagi ng siyam na presidential candidate sa debate na kanilang dinaluhan ngayong araw ng Linggo, Pebrero 27, kung nasaan sila nang unang ipinatupad ng national government ang enhanced community quarantine dahils a COVID-19 pandemic noong Marso 16, 2020.
Ayon kay Vice President Leni Robredo, bago matapos ang Enero 2020 ay inanyayahan na niya ang mga health experts para makakuha ng impormasyon sa kung ano ang dapat asahan, at makalipas ang isang buwan ay inimbitahan din niya ang mga ito sa kanyang radio program para sa information dissemination.
Pagsapit ng Marso 16 nang tinamaan na rin ang mass transportation sa bansa, sinabi ni Robredo na inilunsad ng kanyang opisina ang shuttle buses at dormitories para sa mga frontliners.
Para kay Moreno, sinabi niya na kaagad siyang nagpatupad ng COVID-19 response plan mula mismo sa British government.
Ito ay matapos namang imbitahan siya ng British government sa London para maging bahagi gn Corona British Response Agency noong Pebrero 2020, bago pa man nagkaroon ng unang infection sa Maynila.
Kaagad din siyang nakipagpulong sa Manila Health Department, anim an hospital directors, Manila Police District, City engineering, at sa Manila Social Welfare Department.
Sinabi rin niya na itinayo nla ang kauna-unahan nialng infectious disease control center sa Sta. Ana Hospital sa unang linggo.
Inalala naman ni Sen. Manny Pacquiao ang pamamahagi niya ng face mask, face shield, at PPEs para sa mga pulis, bukod pa sa P2 billion na binunot niya sa kanyang sariling bulsa para ibigay sa pamahalaan sa harap ng COVID-9 pandemic.
Para naman ay Sen. Panfilo Lacson, nasa Senate hearing siya bago pa man idineklara ang ECQ.
Noong Pebrero 4, 2020, inimbestigahan aniya nila ang unang dalawang kumpirmadong kaso ng novel coronavirus sa Pilipinas.
Noong mga panahon na iyon, natukoy nila na 17 percent pa lamang sa mga contacts ang na-trace.
Ibinahagi rin niya ang ginawang hakbang nila sa pagbalangkas ng Bayanihan to Heal as One Act.
Pinuna naman ni Leody De Guzman ang hindi pagsasaprayoridad ng pamahalaan sa mass testing, contact tracing, at pagtatayo ng mga isolation facilties.
Dapat una pa lang aniya ay nakinig na ang pamahalaan sa mga hiling ng mga medical frontliners tulad ng pagkakaroon ng karagdagang protective equipment at special risk allowances.
Inalala naman ni dating secretary Norberto Gonzales na noong Marso 2020 ay nasa bundok siya sa Orani, Bataan at nag-iisip kung paano matutulungan ang mga mamamayan doon.
Sa kabilang dako, si dating Foreign Affairs Secretary Ernesto Abella naman ay rumerisponde noong mga panahon na iyon sa repatriation ng mga OFWs mula Middle East at Europe.
Habang inalala naman ni Dr. Jose Montemayor ang pagkawala ng lima sa kanyang mga kaklase dahil sa COVID-19.
At para naman kay Faisal Mangondato, nasa bahay lang isya kasama ang kanyang pamilya nang maideklara ang kauna-unahang ECQ.