-- Advertisements --

Inirekomenda ni Presidential Adviser for Poverty Alleviation Sec. Larry Gadon ang pagdaragdag ng pondo para sa Barangay Development Program (BDP)

Naniniwala kasi si Sec. Gadon na ang Barangay Development Program ang isa sa pinaka-epektibong programa ng task force upang mapanatili ang kapayapaan at katahimikan sa mga napabayaang brgy sa buong bansa.

Malaking tulong ang pondong ibibigay sa mga ito aniya, upang magkaroon ng mas malawak na economic opportunities ang mga residenteng nakatira sa mga nasabing brgy.

Naniniwala rin ang opisyal na sa pamamagitan ng Barangay Development Program ay magagawa ng task force na mapigilan ang pagbabalik ng mga rebelde sa mga nasabing brgy na aniya’y pangunahing dahilan kung bakit binuo ang nasabing programa.

Pagtitiyak ng kalihim na suportado niya ang programang ito ng pamahalaan.

Sinisikap aniya ng Task Force na mapaangat ang buhay ng mga mahihirap na Pilipino, lalo na yaong mga malimit mabiktima ng recruitment ng komunistang grupo.