-- Advertisements --

Nakatakdang dumalo si President-elect Ferdinand Marcos Jr sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit na gaganapin sa Thailand sa buwan ng Nobiyembre ng kasalukuyang taon.

Ito ay matapos na personal na imbitahan si Marcos Jr kasabay ng pagcourtesy call ni Thai Chargé d’ Affaires Thawat Sumitmo sa kaniya para sumalo sa APEC Summit kung saan ang Thailand ang tumatayong kasalukuyang APEC chair.

Ito na ang unang international meeting na dadaluhan ni Marcos Jr bilang isang Pangulo ng bansa.

Ang 2day APEC Summit ay nakatakdang ganapin sa Nobyembre 18 hanggang 19 na siyang magiging unang face to face summit simula noong 2019 gathering sa Chile dahil sa local protests. Mula ng tumama ang COVID-19 noong 2020 at 2021, isinagawa na online ang APEC meetings.

Inaasahang sesentro ang APEC Summit ngayong taon sa temang “One.Connect.Balance kasabay ng paglalayon na mapanumbalik ang ligtas at convenient cross-border travel para mapabilis ang economic recovery mula sa pandemiya.