-- Advertisements --

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na buo ang suportang ibinibigay nito sa mga atleta ng bansa na sasabak sa Southeast Asian Games na gaganapin sa Cambodia sa susunod na buwan.

Sa ginawang send-off ceremony ng mga atleta sinabi ng pangulo na mayroong mahigit 107 milyon na Filipino ang sumusoporta sa pamamagitan ng pagdarasal.

Magugunitan nagtapos naman sa ikaapat na puwesto ang Pilipinas noong 2021 SEA Games na ginanap sa Hanoi Vietnam na nakalikom sila ng 52 gold medals, 70 silvers at 105 bronze medals.

Sinabi naman ni Philippine Sports Commission Richard Bachman na naibibigay nila ang anumang pangangailangan ng mga manlalaro gaya ng allowance at iba pa.