-- Advertisements --
Pinapatiyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa mga iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno na bilisan ang pagbibigay ng tulong sa mga biktima ng pagbaha sa Samar.
Sa ginawa nitong pakikipagpulong sa mga opisyal ng lugar ay nangako ang pangulo na ginagawa nila ang lahat ng makakaya para tulungan ang mga biktima.
Inatasan din nito ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na agad na isaayos ang mga nasirang kalsada at ilang imprastraktura.
Nasa 180,000 na mga pamilya o mahigit 721,000 indibidwal ang naapektuhan ng shear line sa iba’t-ibang bahagi ng bansa partikular na ang Visaya.