-- Advertisements --
Nakabalik na sa Pilipinas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr matapos ang dalawang araw na working visit sa Kazan, Russia.
Lumapag ang delegasyon ng Pangulo sa Villamor Air Base sa Pasay City dakong 4:02 ng hapon.
Sa kaniyang arrival statement ay ipinagmalaki ng Pangulo ang mabungang resulta ng pagbisita nito sa Russia.
Personal na nakaharap ni President Marcos si Russian President Vladimir Putin.
Natalakay din ang kahalagahan ng pagpapalalim ng kooperasyon ng dalawang bansa ganun ay ibinahagi ng dalawang bansa ang hamon sa seguridad gaya ng terorismo, transnational crime, cybercrime at ibang non-traditional threat.
















