-- Advertisements --

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang mga local government units na magtayo ng mga health facilities para sa kanilang mga residente.

Ang nasabing hakbang ay bahagi ng kanilang health facility development plan.

Laman din ito sa pinirmahan ng pangulo na Memorandum Circular 26 o ang Philippine Health Facility Development Plan ng 2020 hanggang 2040.

Nakasaad sa memorandum na tutulungan ng Department of Health ang mga LGU na maghanap ng mga lugar para sa pagtatayuan ng kanilang health facility.