-- Advertisements --
Tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr at First Lady Liza Araneta-Marcos ang imbitasyon para dumalo sa coronation ni King Charles III.
Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil na malugod na malugod na tinanggap ng Pangulo ang imbitasyon na gaganapin sa Mayo 6 sa Westminster Abbey, London.
Kasama rin nilang tinanggap ang imbitasyon ng Master of the Household na ang reception ay sa Buckingham Palace sa Mayo 5.
Magugunitang inilabas na ng Buckingham Palace noong nakaraang buwan ang ilang mga detalye sa coronation ni King Charles III na pumalit sa puwesto matapos ang pagpanaw ng ina na si Queen Elizabeth II noong nakaraang taon.