Hindi na mapapanood pa ang regular na public address ni Pangulong Rodrigo Duterte na karaniwang ginagawa tuwing Lunes ng gabi.
Ito ay ang “Talk to the People” na dito ay personal na iniuulat ng chief executive ang kanyang mga naging aktibidad habang nagbibigay din ng direktiba sa ilan niyang mga gabinete.
Magugunitang June 6 huling humarap ang pangulo sa kanyang “Talk to the People” kasama sina DILG Sec Eduardo Ano, DOH Secretary Francisco Duque, NTF against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr at NDRRMC Exec. Dir. Ricardo Jalad.
Mayo 30 naman o eksaktong isang buwan bago ang pagtatapos ng termino ng administrasyon ay isinagawa ang “last full Cabinet meeting.”
Dito nagpasalamat si Pangulong Duterte sa mga miyembro ng kanyang gabinete at nag-host ng thanksgiving party para sa cabinet members kasama ang kanilang esposa.