Pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga dumalo sa isinagawang thanksgiving concert para sa kaniya sa Quirino Grand Stand, Rizal Park.
Naging maiksi lamang ang talumpati nito kung saan pinasalamatan ang sambayanang Pilipino ilang araw bago magtapos ang kaniyang termino.
Dinaluhan ng mga kilalang singer at artista ang nasabing “Salamat PRRD) concert.
Agawpansin ddin ang pagkanta ng pangulo ng kanyang paboritong awitin na “Ikaw.”
Naku pag-duet naman ang original nitong singer na si Martin Nievera sa stage.
Ang mga singer na naging bahagi noon sa Duterte campaign tulad nina Freddie Aguilar, Ice Seguerra, Jimmy Bondoc, Florante at iba pa ay nakibahagi rin.
Naging highlights dito ay ang sorpresang drone show na nagpakita sa kaniyang mukha at ang kamao na simbolo niya.
Kinanta rin ng pangulo ang paborito nito na “Ikaw” at sumama rin siya sa pagkanta ng Petula Clark song na “Fill the World with Love” na kinanta ng mga grupo ng mga doctors at medical frontliners.
Kasama ng pangulo ang asawang si Honeylet Avanceña, Senator Imee Marcos, Senator Bong Go at ilang mga cabinet members.