-- Advertisements --

Personal na binati mismo ng Pangulong Rodrigo Duterte ang tatlong miyembro ng Presidential Security Group (PSG) na pumasa sa 2020-2021 Bar examinations.

Una nang inimbitahan ng pangulo sa photo opportunity ang tatlong mga bagong abogado na mga sundalo sa Malago Clubhouse sa Malacañang Park.

Kinumpirma naman ni PSG spokesperson Maj. Zeerah Blanche Lucrecia ang Bar passers ay sina Capt. Joan Napay na naka-assign sa PSG Station Hospital, Lt. April Bayabao sa Office of the Assistant Chief of Staff for Logistics, at PSSgt. Byron Angelo Bacud mula sa Presidential Police Security Force Unit.

PSG duterte Bar
Photo courtesy from PSG spokesperson Maj. Zeerah Blanche Lucrecia

Sinasabing naikwento pa ng pangulong sa mga bar passers ang kanya ring personal na eksperyensa bilang abogado at prosecutor.

Nagbigay din daw ng tips ang commander-in-chief kaugnay sa trial techniques at iba pa, para matuloy ang kanilang practice kahit nasa AFP o nasa pribado na man.

Kung maalala una na ring inilabas ng Supreme court na umaabot sa 8,241 ang mga nakapasa mula sa kabuuang 11,402 examinees o law graduates makalipas ang dalawang taon na hindi ito natuloy dahil sa pandemya.